How can OFWs fulfill their dreams?
- Dennis A. Dawal
- Jul 20, 2016
- 2 min read

Kahit masipag ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) natin sa trabaho, alam natin na marami sa kanila ang nagnanais na makauwi at makapiling muli ang kanilang mga mahal sa buhay.
Ngunit kung tatanungin ang isang OFW kung bakit sila nagtitiyaga abroad, madalas ito ang kanilang sinasabi:
"Nakikipagsapalaran kami para maiahon ang pamilya sa kahirapan."
Kaya naman, sa isang pagaaral ng World Bank, ang Pilipinas ang "third highest country with OFW remittances," na umabot sa $29.7 billion nitong December 2015.
Ngunit natutupad nga ba ang mga pangarap ng ating mga bagong bayani?
Bakit kaya madami pa ring OFW families ang baon sa kahirapan?
Hindi ko naman nilalahat pero aminin na natin:
"madaming pabalik-balik abroad na walang direksyon ang kanilang pagsisikap."
This has a lot to do with poor financial habits. Madalas ubos-ubos and pera tuwing nagpapadala ang OFW sa pamilya niya dahil 'di sila marunong mag-ipon at magtipid. Tuwing umuuwi naman, parang one-day-millionaire: Blow out dito, shopping doon, o bili agad ng bahay/condo o koste kahit hindi pa naman kailangan.
Sa madaling salita, puro gastos, walang ipon; walang naitatabi para sa kinabukasan.
E pano kung di na siya makapagtrabaho? Pano kung nagkasakit o namatay? Sino ang magtutuloy ng kanyang mga nasimulan? Paano na ang pagaaral ng mga anak?
No wonder, many OFWs are still in poverty because they're not financially literate. Panahon nang baguhin ang ganitong maling sistema. Watch this video:
Kung pangarap mong makaalis ang pamilya sa kahirapan, kailangan ayusin ang paghawak ng pera. Huwag maging magastos at iwasan ang utang. Magbudget. Magipon para sa emergency fund. Kumuha ng life insurance. Mag-invest para lumago ang pera. Darating din ang panahon na makakasama mo muli ang iyong pamilya.
As a Financial Adviser, I can help. Send me a message for questions or request for an appointment by filling out the form below. It's always good to meet 1-on-1 to discuss your financial needs and plans. Also, feel free to put your comments below. I hope to hear from you.
Commentaires